CITY MAYOR, INILAHAD ANG KALAGAYAN NG MGA BATANG FERNANDO AT FERNANDA SA STATE OF THE CHILDREN ADDRESS

Inilahad ni City Mayor Hermenegildo “Dong” A. Gualberto ang hamon at tagumpay ng pamahalaang panlungsod ng San Fernando, La Union sa pagpapanatili ng edukasyon, kalusugan ,at kaligtasan ng mga bata sa State of the Children Address (SOChA) na ginanap sa La Union National High School (LUNHS) noong Nobyembre 21, 2024.

 

Nagsimula ang programa sa pambungad na mensahe ni City Councilor at Committee on Children and Social Services Chairperson, Hon. John H. Orros. Kasunod nito, iprinisenta ni Mayor Dong sa kaniyang SOChA ang estado ng mga bata sa siyudad at kung ano ang mga mahahalagang programa at proyekto ng City Government na nagsusulong ng kanilang kapakanan at kaunlaran.

 

Isa sa mga binigyang-diin ni Mayor Dong ang pagtutulungan ng City Government kasama ang Sangguniang Panlungsod upang mapagtagumpayan ang pagsulong sa kalagayan ng mga batang San Fernando dito sa ating siyudad.

 

Sa huling bahagi ng Address, tinukoy ni Mayor Dong ang mga solusyon at hakbang na maaari pang gawin upang tugunan ang mga pangangailangan sa kaunlaran, kalusugan, at proteksyon ng mga bata. Hinikayat din niya ang mga magulang at guardians na makiisa sa pagbuo ng mga plano o desisyon para sa kanilang kapakanan.

 

Pagkatapos ng SOChA, sinundan ng Sayaw Galaw na pinangunahan ng Local Economic Business and Development Office at Local Youth Development Office. Nagbigay naman ng closing remarks si City Vice Mayor Hon. Alfredo Pablo R. Ortega bilang pagtatapos ng programa.

 

 

Kakabsat, sama-sama nating ipagpatuloy ang mga nasimulan at makialam sa mga usaping nagsusulong na maging child-friendly ang #PeoplesCity of #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS