MALASAKIT SA KALIKASAN NG BARANGAY SACYUD, GROCERY AT PUNLA ANG INSENTIBO

Nagbunga ang pagtutulungan at malasakit sa kalikasan ng mga residente ng Barangay Sacyud matapos silang mag-uwi ng Php 7,646 halaga ng grocery items at 59 seedlings kapalit ng kanilang mga naipong recyclable materials sa isinagawang “Palit Basura, Palit Bombilya Project” noong Hunyo 26, 2026.

Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng komunidad, matagumpay na naisalba mula sa pagkakatambak ang 1.1 toneladang recyclable at e-waste. Ang pinagsama-samang kontribusyong ito ay isinailalim naman ng City Environment and Natural Resources Office sa wastong pagproseso at pagre-recycle upang mabigyan ng bagong pakinabang.

Bukod sa mga recyclable at e-waste, nakakolekta rin ang komunidad ng mga sirang appliances at incandescent bulbs upang masigurong maisasailalim ang mga ito sa ligtas at wastong pagproseso.

Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office Technical Team, katuwang ang Team SAFE, City Landfill Team, at Botanical Garden Staff ang aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng responsableng pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon.

Agtinnulong tayo para iti nalinlinis a San Fernando!

Sa ating sama-samang pagkilos, unti-unti nating mabubuo ang isang mas malinis, mas luntian, at mas responsableng #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS