MANGINGISDA NG SIYUDAD, TUMANGGAP NG RELIEF PACKS MULA SA THUNDERBIRD FOUNDATION INC

Tinanggap ng mga mangingisda mula sa Barangay Poro, San Agustin, San Francisco, at Pagudpud ang kanilang relief packs mula sa Thunderbird Foundation Inc. noong Hulyo 30, 2025.

Naibigay sa 2,286 benepisyaryo ang mga relief packs na handog ng Thunderbird Foundation, Inc. Ang bilang ng mga benepisyaryo at batay sa datos ng registered at validated fisherfolk sa siyudad na ayon sa pagsusuri ng City Government of San Fernando, La Union, barangay councils, at City Fisheries and Aquatic Resources Management Council officers.

Samantala, nakiisa rin sa relief distribution si City Vice Mayor Pablo C. Ortega at nagbahagi ng kaniyang mensahe ng pagbangon para sa mga nasalanta.

Naroon din sa pagbibigay ng donasyon sina Dr. Mary Jane B. Alcedo, City Agriculturist, Ms. Luzan Ortega-Valero, Board Secretary V, City Fishery Coordinator, Mr. Nickson Patrick G. Tomines, at mga kinatawan ng Thunderbird Foundation Inc.

Maraming salamat, Thunderbird Foundation Inc.!

Patunay lamang ang bukas-palad ninyong pagtulong sa patuloy na pakikiisa ng mga pribadong sektor sa bayanihan ng #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS