MANNALON AT MANGNGALAP NG SIYUDAD, NAKISAYA SA MGA PALARO AT BANCATHON

Bilang parte sa selebrasyon ng Bulan ti Mannalon ken Mangngalap 2023, ginanap ang iba’t ibang patimpalak kasama ang inaabangang Bancathon para sa motorized at non-motorized boats na sinalihan ng mga magsasaka at mangingisda ng siyudad.

Nagkaroon din teambuilding activity at parlor games na bukas para sa lahat ng kalahok. Nagwagi sa Bancathon si Jessie Valdez ng Barangay Ilocanos Sur sa motorized category at sina Jefferson Benida at John Ray Hufana ng Barangay Poro para naman sa non-motorized category.

Sa pangunguna ng City Agriculture Office at sa tulong ng City Fisheries and Aquatic Resources Management Council (CFARMC), City Health Office, Barangay Council of Ilocanos Sur, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police (PNP) at PNP – Maritime, naging matugumpay ang selebrasyon na ito.

Bumisita at nakisaya rin sa pagtitipon sina City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto at City Councilor Hon. Edwin H. Yumul.

Matapos man ang selebrasyon ng Bulan ti Mannalon ken Mangngalap, patuloy ang aming pagsaludo sa ating kakabsat na magsasaka at mangingisda sa kanilang marangal na pagtatrabaho tungo sa pag-unlad dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS