Mayor dong nagpapasalamat sa ibinigay na solidong suporta ng sangguniang panlungsod sa kaniyang sinimulang covid-19 vaccine initiative

MAYOR DONG NAGPAPASALAMAT SA IBINIGAY NA SOLIDONG SUPORTA NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD SA KANIYANG SINIMULANG COVID-19 VACCINE INITIATIVE

Masayang nagpapasalamat si City Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto sa Sangguniang Panlungsod ng People’s City of San Fernando sa kanilang pagpapakita ng suporta sa kaniyang plano na mag-laan ng karagdagang angkop na pondo para sa pagbili ng Covid-19 vaccines para sa ating siyudad.

Ang pagpasa ng City Resolution No. 21-014 ay tunay ngang malaking tulong upang mas madagdagan pa ang bilang ng mga vaccines na mabibili at mas maraming beneficiaries ang mabibigyan ng libre. Nagpapakita rin ito ng indikasyon ng kanilang patuloy na kooperasyon sa mga programa ng local chief executive. Dahil hindi binanggit sa Resolution ang source ng pondo para sa 63 Million, inutusan ni Mayor Dong ang LFC na hanapan ito angkop sa mga financial regulations.

Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ang approval ng City Development Council sa supplemental appropriation para sa 21 million na paunang nailaan ng Local Finance Committee para sa pagbili ng Covid-19 vaccines, dahil na rin sa walang nailaan na pondo para dito sa 2021 Local Expenditure Program na naipasa noong Oktubre 2020.

Matapos maaprubahan ang mga resolution na kailangan para dito at para sa additional funding alinsunod sa resolution ng Sangguniang Panlungsod para sa 63 million budget allocation, makakasiguro na tayo na mayroong Covid-19 vaccines na darating sa siyudad.

Noon pa man, naniniwala na si Manong Dong na “for us to achieve our goals, it is really essential for both the Legislative and Executive branch of the City to work together towards one common goal – that is to make the people of San Fernando’s lives better, safer, and more comfortable.”

Tunay na nagpapasalamat si Manong Dong sa suportang ibinibigay ng Sangguniang Panlungsod sa mga plans and programs ng Executive branch ng siyudad. Sa patuloy nating pagsama-sama, hindi imposible ang pagtayo natin bilang iisang San Fernando.


SanFernandoTayo

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103