MAS LIGTAS AT MATATAG NA KOMUNIDAD, SA SAN FERNANDO MATATAGPUAN

Nagbunga ang hangaring magkaroon ng mas ligtas at mas protektadong komunidad para sa bawat pamilya sa siyudad ng San Fernando, La Union matapos makamit ng Pamahalaang Lungsod ang Gold Award sa ginanap na Resilience in Emergency and Disaster Sustainability and Ecologically Adaptive Local Government Units (RED SEAL) Awards sa Speaker Pro Tempore Francisco I. Ortega Convention Center noong Hulyo 24, 2026.

Ang pagkilalang ito ay patunay na ang mga inisyatibo ng lungsod, mula sa mabilis na pagresponde sa panahon ng sakuna hanggang sa pangangalaga sa ating kalikasan, ay direktang nagbibigay ng proteksyon at kapanatagan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga residente.

Iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union, sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang parangal na ito bilang pagkilala sa mga natatanging programa ng lungsod sa disaster risk reduction and management, kahandaan sa emerhensiya, pangangalaga sa kalikasan, at matatag na pamamahala.

Tinanggap nina City Councilor Hon. Joseph Clarence D. Valero at City Disaster Risk Reduction and Management Officer Ms. Julie Ann B. Hipona-Sias ang parangal para sa buong lungsod.

Ipinakikita ng pagkilalang ito ang sama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod, mga katuwang na ahensiya, at mga residente sa pagpapatatag ng isang ligtas at matatag na komunidad.

Patunay ang RED SEAL Gold Award sa patuloy na paghahatid ng Pamahalaang Lungsod ng mga programang nagpapalakas sa kahandaan at kaligtasan ng bawat Fernando at Fernanda: isang hakbang tungo sa mas matatag na #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS