KAGITINGAN NG MGA BAYANING SUNDALO, GINUNITA SA IKA-80 ANIBERSARYO NG BATTLE OF BACSIL RIDGE
Ginunita ng City Government of San Fernando, La Union ang ika-80 anibersaryo ng Battle of Bacsil sa pamamagitan ng isang commemoration program na isinagawa sa Bacsil Ridge Monument ngayong araw, March 19, 2025.
Naghandog ng misa ang City Government kasama ang mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan kabilang ang iba’t ibang national government agencies na pinangasiwaan ng St. William the Hermit Cathedral.
Matapos ang misa, nagbahagi ng inspirasyonal na mensahe ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto. Ayon sa kaniya, “Hindi sapat na basahin ang kasaysayan at ipagdiwang ito tuwing fiesta. Hindi sapat ang pagtayo sa harap ng isang bantayog at bigkasin ang kanilang mga pangalan. Ang tunay na pag-alala ay nasa ating pagkilos.”
Nagbahagi rin ng mensahe si City Councilor John H. Orros bilang kinatawan ni City Vice-Mayor Alfredo Pablo R. Ortega kung saan sinariwa niya ang kabayanihan ng magkapatid na Hufano. Dagdag pa niya, “Their example teaches us the importance of fighting for a better future and standing together to achieve our goals even in the face of adversity.”
Samantala, isinadula naman ng Louisian Theatre Ensemble ang patungkol sa magkapatid na Bunog at Balyodong Hufano bilang pag-alala sa tagumpay at labanan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano kontra gerilyang Hapon sa Bacsil noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Nagsagawa rin ng Torch Lighting at Wreath Laying Ceremony sa bantayog ng Bacsil na pinangunahan ng mga opisyal ng City Government. Kasunod nito ang Community Mural Painting na pinangasiwaan ng Gameng – La Union (LU) Creatives Industry Association, Dalikan LU Youth Artist Collective, LU Collective Artist, at Artists Guild of LU.
Kabilang sa mga nakiisa sa paggunita sina Office of the Provincial Governor Executive Assistant Mr. Justito Orros III, City Councilors Hon. Aldrine R. Jucar, Hon. Quintin L. Balcita, Jr., Hon. Edwin H. Yumul, Hon. John H. Orros, Hon. Kyle Marie Eufrosito Y. Nisce, Hon. Jonathan Justo A. Orros, Hon. Arnel A. Almazan, Hon. Rodolfo M. Abat, at ang Barangay Council ng Bacsil.
Naroon rin sa nasabing aktibidad ang mga opisyal at kawani ng Department of Education – Schools Division Office – San Fernando City, La Union na pinamumunuan ni OIC – Schools Division Superintendent Dr. Sheila Marie A. Primicias, Philippine National Police – San Fernando na pinamumunuan ni PLTCOL Tristan Oliver B. Nara, Bureau of Fire Protection na pinamumunuan ni FCInsp. Jun Eland I. Wanawan, at Bureau of Jail Management and Penology – San Fernando City Jail na pinamumunuan ni JSINSP Roderick B. Daen.
Para sa pangwakas na mensahe, binigyang-diin Dr. Mark Anthony D. Latoja, Administrative Officer V ng Public Information Office, na ang kasaysayan ay hindi lamang talaan ng nakaraan kundi isang gabay para sa kasalukuyan at hinaharap.
Kakabsat, ating gunitain sa #PistaTiRagsakKenPanagkaykaysa at tularan ang pagkakaisang ipinamalas ng ating mga bayani tungo sa kalayaang tinatamasa ng #PeopleCity27 ng #SanFernandoTayo.










RECENT POSTS

CGSFLU JOINS PREPARATION OF TOURISM ACTIVITIES FOR THE ARRIVAL OF LE SOLÉAL OF COMPAGNIE DU PONANT

CGSFLU BOOSTS READING EFFICIENCY AMONG CHILDREN THROUGH LETRA

CGSFLU HOLDS PAYOUT OF SUBSIDY FOR SOLO PARENTS, INTRODUCES iSOPORTCA

CGSFLU REINTEGRATES VAGRANT PERSON WITH DISABILITY TO FAMILY

CGSFLU LAUNCHES WELLNESS WEEKENDS
