
– Matagumpay na naihatid ni Mayor Dong ang #SOCHA2020
– Sa patuloy na pagharap ng People’s City sa pandemya, patuloy pa rin ang pagresponde ng lokal na pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga kabataan.
– Ipagpapatuloy din ang Learning Continuity Plan upang matulungan ang kabataan sa kanilang pag-aaral lalo ngayong panahon ng pandemya.
Ngayong araw, ika-24 ng Nobyembre 2020, ay naghatid ng mensahe si Mayor Dong Gualberto para sa State of the Children Address (SOCHA) 2020.
Sa kanyang #SOCHA2020 , binigyang diin ni Mayor Dong na prayoridad natin ang pangangalaga at pagmamalasakit sa kabataan. Ang lungsod ng San Fernando ay tunay ngang People’s City dahil ito ay isang Child-Friendly City. Inilahad ni Mayor Dong ang mga nagawang hakbang ng City Government para makamit ito.
Una ay ang pagsasagawa ng Local Development Plan for Children. Kasama nito ay ang pagkakaroon ng Local Council for the Protection of Children at Children Parliament. Sa pagtatatag ng mga ito, inaasahan na mas mapapabuti ang mga programang pang kabataan dahil sila mismo ay may direktang partisipasyon.
Mas napabuti na rin ang health sector dahil naaprubahan na ang PhilHealth Accreditation. Ang maternal at primary care services sa City Health and Wellness Center ay covered na ng PhilHealth. Mayroon nang dalawang City Health Offices, limang Health and Wellness o Lying-in Clinic, 54 Health and Wellness Stations at 204 clinics. Inilunsad din ang Kusina ng Kalinga (KNK) at na nagbibigay ng masustansyang pagkain para sa mga estudyante. Mas pinaigting din ang Supplemental Immunization Program para sa kalusugan ng mga bata.
Para maprotektahan ang mga bata, sinimulan ang Panagkikibin Program na nagbibigay tulong at kaalaman sa mga kabataan at sa kanilang mga magulang. Sinimulan din ang Comprehensive Local Juvenile Intervention Program (CLJIP). Sa programang ito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga bata na magbago at maging mabuting mamamayan sa ating siyudad. Bumaba rin ang VAWC cases sa tulong ng mga training at capacity building intervention para sa mga VAW-C Desk Officers , Barangay secretaries, at Barangay Council for the Protection of Children. Binuksan din ang Nasudi Halfway house na naglalayong mabigyan ng pansamantalang tahanan ang mga kabataan at kababaihang biktima ng karahasan, pang-aabuso, at kapabayaan.
Tunay ring napagbuti ang education sector dahil noong 2019, ang People’s City ay naging finalist para sa Seal of Good Education Governance (SGEG), at nakakuha ng rate na 4.8 sa 5 point rating scale noong 2018. Mayroon na ring 48 Barangay Reading Centers. Inilunsad din ang Lingkod Eskwela at Tulong Reading Activity noong 2019. Dinagdagan din ang pondo para sa Special Education Fund ng 29.53%. Tumaas din ang Completion Rate at Cohort Survival Rate sa public, private at state universities at college education institutions. At para mas tumaas pa ang mga ito, nagbigay ng scholarships ang CIty Government at mayroon na ngayong 315 scholars. Mayroon ding Alternative Learning System sa pamamagitan ng Basic Literacy Program at Accreditation and Equivalency Program para sa mga out-of-school youth na nais bumalik sa pag-aaral. Bukod dito ay ang Tuloy Aral Walang Sagabal program (TAWAG) kung saan nakapagbigay ang lokal na pamahalaan ng Php 153, 000 worth of educational assistance para sa 39 na mga estudyante. Mayroon namang Learning Continuity Plan para sa mga batang hindi nakapag-enroll sa eskwela dulot ng pandemya. Magpapamigay rin ng mga tablet at laptop para sa mga estudyanteng nangangailangan. Hinihintay na lamang ang Resolution mula sa Sanggunian Panlungsod para rito. Siniskap ng lokal na pamhalaan na madagdagan ang bilang ng mga estudyanteng gumagamit ng online modality ng hanggang 45% sa taong 2022.
Para naman sa CoViD-19 related response, ang City Government ay nakipagtulungan sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) para sa expanded the CoViD-19 testing. Nakapag procure din ng Mobile Health Clinic para maabot ang mga bata sa malalayong mga barangay. Ipinagpatuloy naman ng City Library ang Book-to-go and Pick-up-books project. Dagdag pa rito ay ang Book Saves project na nagbibigay ng mga libro para sa mga bata at matatanda sa isolation facilities. Inilunsad din ng SK Federation ang My Study Buddy program na nagbibigay ng face-to-face assistance para sa mga batang nangangailangan ng tulong sa kanilang e-learning.
Para sa hinaharap, inaasahang 14 na mga guro ang magiging parte ng City Local School Board, dagdag sa 16 na mga guro rito. Uumpisahan din ang pagtatatag ng 59 na mga e-Barangay Library. Magkakaroon na rin ng mga bike lanes para sa mga citizen-cyclists.
Ang City Government ay para sa lahat ng mga mamamayan at #WalangMaiiwan
sa People’s City, kaya naman binibigyang prayoridad natin ang mga karapatan at kapakanan ng mga bata.
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS