MGA BARANGAY NG MASICONG AT PAGUDPUD, BINISITA NG TASK FORCE UMISU

Muling bumisita ang Task Force Umay Mangted iti Sungbat o UMISU ang dalawang barangay ng siyudad na Barangay Masicong at Pagudpud kung saan mayroong 87 na indibidwal ang kanilang napuntahan at natulungan sa kanilang pangangailangang medikal.
Kanilang nabigyan ng tulong ang 18 katao mula sa Barangay Masicong at 69 na indibidwal naman sa Barangay Pagudpud na kinabibilangan ng matatanda, may kapansanan, may sakit, at iba pang nangangailangan nito. Nabigyan din ang mga ito ng libreng gamot, food packs, dental kits, at butong maaaring maipunla sa kani-kanilang kabahayan.
Patuloy ang misyon ng Task Force UMISU sa paghahatid ng tulong sa ating kakabsat saan man sila sa siyudad. Kasama sa pagtutupad ng misyong ito ang iba’t ibang kinatawan ng mga opisina ng City Government of San Fernando mula sa Office of the City Mayor, City Health Office, City Social Welfare and Development, City Engineering, City Agriculture, at Barangay Health Workers.
Kakabsat, patuloy nating pagtitibayin ang pagbibigay ng serbisyo para sa lahat ng nangangailangan tungo sa mas inklusibong siyudad para sa sabay-sabay at pantay-pantay na pag-unlad dito sa #SanFernandoTayo!




















RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS