MGA HUWARANG BARANGAY SA DISASTER RESILIENCE, PINARANGALAN SA GAWAD ALIBTAK 2026

Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga barangay na nanguna sa pagpapatupad ng mahusay na disaster risk reduction and management sa Gawad ALIBTAK 2026 Awarding Ceremony na ginanap sa Speaker Pro Tempore Francisco I. Ortega Convention Center noong Hulyo 20, 2026.

Bilang pangunahing programa ng pagkilala ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, kinikilala ng Gawad ALIBTAK ang mga barangay na nagpapakita ng kahusayan sa disaster risk reduction and management upang higit na mapalakas ang kahandaan, katatagan, at patuloy na pagpapabuti ng mga lokal na programa sa buong lungsod.

Tinanghal na Top 1 Performing Barangay ang Barangay Bato, sinundan ng Barangay Cabarsican bilang Top 2, at Barangay Lingsat bilang Top 3. Kinilala rin ang Barangay Canaoay at Barangay San Agustin bilang Fully Compliant Barangays. Umabot din sa huling yugto ng pagsusuri ang Barangay Carlatan at Barangay Sacyud bilang kabilang sa Top 7 Performing Barangays na matagumpay na nakapasa sa initial assessment ng programa.

Iginawad naman ang Best in Disaster Risk Reduction and Management Reporting sa Barangay Baraoas, Best Disaster Risk Reduction and Management Focal Person kay Christine Joy Castañeda, Best Innovation Project sa Barangay Cabarsican, at Best in Implementation sa Barangay IV.

Nagbigay ng mensahe si City Mayor Hermenegildo A. Gualberto, habang inihatid ni Ms. Lucia Esperanza P. Ortega-Valero ang opening remarks sa ngalan ni City Vice Mayor Hon. Pablo C. Ortega. Naging keynote speaker si Director Virgilio P. Sison ng Department of the Interior and Local Government. Ibinahagi naman ni Ms. Almira V. Abrazado ng Philippine Red Cross ang impresyon ng mga hurado, habang naghatid ng pangwakas na pahawag si City Councilor Hon. Joseph Clarence D. Valero. Dumalo rin bilang mga panauhing pandangal sina City Councilor Hon. Nerissa Joy O. Almazan, City Local Government Operations Officer Atty. Patrick Jeorge Sibayan, Mr. Roger Christian S. Macalino ng Department of the Interior and Local Government, at Dr. Filomena Gloria J. Subala na kumatawan sa Millennium Women’s League, Incorporated.

Nakiisa rin sa programa ang mga miyembro ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, habang tiniyak ng Philippine National Police at Office for Public Safety ang kaayusan at seguridad sa buong programa.

Pagpupugay sa inyong kahusayan sa pagpapanatili ng ating kaligtasan, kakabsat!

Kapag nagkakaisa ang pamahalaan at komunidad sa paghahanda at pag-iingat, mas nagiging ligtas at mas matatag ang bawat barangay tungo sa isang #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo. 

RECENT POSTS