MGA LOKAL NA PELIKULA NG SAN FERNANDO, IBIBIDA!

Limang grupong kalahok sa Pannakaamiris: The San Fernando City La Union Short Film Festival ang sumabak sa dalawang araw na film workshop at mentoring session noong Agosto 8 at 9, 2026.

Sa paggabay nina Direk Dexter Macaraeg, Direk Ja Turla, at Direk Nonilon Abao, mas hinasa ng mga lokal na filmmaker ang kanilang storytelling, cinematography, production, directing, at editing skills upang bigyang-buhay ang mga kuwentong sumasalamin sa pamilyang Fernando.

Ngayong Agosto 10–27, puspusan na ang kanilang film production at online mentoring, bago ang festival premiere sa Agosto 31, theatrical screenings mula Setyembre 1–10, at awarding ceremony sa Setyembre 11.

Isinasagawa ang proyekto ng Pamahalaang Panlungsod sa pamamagitan ng Local Economic and Business Development Office, sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa ilalim ng Competitive Grants Program, kasama ang GAMENG La Union Creative Industries Association at PelicuLa Union.

Kakabsat, sama-sama nating suportahan ang lokal na pelikula at ang mga kuwentong sariling atin dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS