MGA MAG-AARAL, TUMANGGAP NG SCHOOL SUPPLIES SA UNANG BATCH NG BES PROGRAM

Mga estudyante mula sa limang paaralan sa Lungsod ng San Fernando ang nakatanggap ng mga pangunahing school supplies na saklaw ng unang batch ng Basic Education Start-Up (BES) Program noong Agosto 14, 2026.

Ilan sa mga ipinamahaging kagamitan ay ang mga backpack, kwaderno, lapis, at itim na ballpen.

Kabilang sa unang batch ng mga paaralan ang San Fernando South Central Integrated School, San Fernando North Central School, San Fernando City SPED Integrated School, Ilocanos Elementary School, at Catbangen Central School.

Ang BES Program ay itinatag sa ilalim ng City Ordinance No. 2024-43, Article 3, Sections 30 at 31, sa pangunguna ng Office of the City Mayor at Youth, Education, and Sports Development Office, na naglalayong maglaan ng karagdagang suportang pang-edukasyon at tiyaking walang mag-aaral ang maiiwan sa pagkamit ng de-kalidad na basic education.

Ang programa ay magpapatuloy sa mga susunod na batch para sa iba pang mga paaralan sa lungsod.

Kakabsat, ating ipagpatuloy ang suporta para sa bawat batang nangangarap at nagsisikap matuto dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS