
Sa gitna ng CoViD-19 pandemic, patuloy ang pagtulong ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Fernando sa pangunguna ng Office of the City Agriculturist (AGR) sa mga magsasaka ng lungsod kaakibat ng mga handang programa ng mga National Government Agencies (NGAs), lalo na sa nakaambang kakulangan ng tubig sa mga sakahan.
Sa panayam kay Ms. Joan Pasca, Officer-In-Charge ng AGR, ang inaasahang dami ng supply ng tubig ngayong taon dulot ng La Niña ay taliwas sa nararanasan ng maraming magsasaka ng lungsod dahil sa hindi tuloy-tuloy na pag-ulan na maaaring epekto ng climate change. Sa katunayan, higit sa kalahati pa lamang na mga magsasaka sa lungsod ang nakapaglipat ng kani-kanilang binhing palay. Bilang pangunahing pagkain ng mga Pilipino, binibigyang tuon ang pagsasaka ng palay upang masiguro na sapat ang supply nito para sa mamamayan ng San Fernando.
Mula sa karanasan ni Mr. Jameson Quines, isang magsasaka at organic farming advocate mula sa Santiago Norte, buwan ng Hunyo o Hulyo pa dapat umaapaw ang tubig sa mga palayan. Ayon sa kanya, mahalagang tiyakin na sapat ang tubig sa isang palayan sapagkat nakadepende ang dami ng suhi ng palay pati ang laman at kalidad ng butil, sa dami ng tubig.
Dahil dito, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng AGR sa pakikipagtulungan ng National Irrigation Administration (NIA) ng iba’t ibang proyekto sa paghahanap at pagpapatayo ng iba-t-ibang mapagkukunan ng tubig pangsaka. Sa nakaraang mga buwan ng Abril hanggang Hunyo 2020, napatayuan ng hindi bababa sa tig-dalawang (2) open dug wells ang mga barangay ng Cabarsican, Calabugao, Dallangayan Este, Dallangayan Oeste, Mameltac, Narra Este, Sagayad, Saoay at Puspus.
Noong 2019, nakapagpatayo ang City Government ng dalawang (2) small farm reservoir sa Nagyubuyuban at Narra Oeste. Isa pang reservoir ang planong tapusin sa Pao Sur sa taong 2021. Kasama pa sa mga makabagong proyekto sa patubig ng lokal na pamahalaan ang pagtatatag ng mga solar powered irrigation pumps sa mga barangay ng Bungro at Pacpaco.
Ang karagdagang open dug well projects para sa mga barangay ng Bacsil, Birunget, Cadaclan, Nagyubuyuban, Narra Este, Narra Oeste, Pao Norte, Pias, Santiago Sur at Sibuan-Otong ay popondohan naman ng bahaging natanggap ng lungsod mula sa Republic Act No. 7171.
Naniniwala si Ms. Pasca na ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga magsasaka lalo na sa patubig ay epektibong paraan upang masigurado ang husto at sapat na supply ng pagkain sa lungsod. “Being the backbone of the economy, siyempre sige pa rin tayo nang sige. Magtanim tayo to the best we can, kasi [ang mga magsasaka ang] inaasahan ng buong bansa, ng buong San Fernando. Sila iyong nagpapakain. They are the real heroes. Kung wala sila, wala tayong pagkain.” dagdag ni Ms. Pasca.
Walang humpay na nagpaplano at nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga hakbang upang tulungan ang mga magsasaka ng lungsod. Ang suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura ay nananatiling prayoridad upang masiguro ang sapat na supply ng pagkain para sa #SanFernandoAyayatenKa.
(Kuwento ni Jeddahn Rosario)
(Litrato ni Clifford Mercado)
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS