MGA MATATANDA AT MAY SAKIT, NAHATIRAN NG TULONG NG TASK FORCE UMISU

Upang mapaigting ang pagbibigay ng serbisyo sa mga residente ng siyudad, ipinaabot ng Task Force Umay Mangted iti Sungbat (UMISU) ang tulong medikal sa mga indibidwal ng Barangay Poro.
Mayroong 191 na indibidwal ang kanilang nabisita at naabutan ng tulong medikal na kinabibilangan ng matatanda, may sakit, may kapansanan at iba pang nangangailangan ng kanilang tulong.
Kinamusta rin ng Task Force UMISU ang kalagayan ng mga residente ng barangay at kanila ring itinala ang mga hinaing na idinulog ng mga residente upang mapagtuunan ng pansin o mabigyan ng karampatang solusyon. Dagdag pa rito, nagbigay rin ang Task Force UMISU ng mga gift packs, libreng gamot, at iba pang pangangailangang maaari nilang magamit.
Patuloy rin ang pagsuporta ng mga opisina ng City Government of San Fernando tulad ng Office of the City Mayor na pinamumunuan ni Manong Dong, City Health Office, City Social Welfare and Development, City Engineering, at City Agriculture, kasama ang Barangay Health Workers sa pagbahagi ng tulong.
Kakabsat, patuloy ang pagtupad ng Task Force UMISU sa kanilang misyon para sa mas inklusibong siyudad tungo sa sabay-sabay, pantay-pantay na pag-unlad ng lahat dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS