MGA RESIDENTE NG BARANGAY APALENG, NAKIISA SA TOWN HALL MEETING

Para sa hangaring mas mapakinggan ang mga mamamayan, nagtungo ang City Government ng San Fernando sa Barangay Apaleng upang isagawa ang Town Hall Meeting (THM) kasama ang Barangay Council at mga residente ng naturang barangay.
Dinaluhan ng 129 residente ang THM kung saan nakatanggap din sila ng libreng medical check-up at aktibo silang lumahok sa pagpapahayag ng kanilang mga hiling at pangangailangan.
Bilang bahagi ng aktibidad, kaisa rin ang mga department head mula sa mga opisina ng Engineering and Architectural Services, Office of the City Veterinarian, City Agriculture Office, City Social Welfare and Development Office, at Office of the City Assessor sa pagtalakay ng mga serbisyo at tungkulin ng pamahalaan para sa mamamayan.
Nagsisilbing daan ang Town Hall Meeting upang maipakita ang dedikasyon ng city government sa pakikinig sa publiko at pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.







RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS