Bilang parte ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng Department of Transportation (DOTr), nagbukas ang nasabing ahensya ng karagdagang taxi franchise sa buong bansa kung saan labing limang (15) taxi for hire ang pinayagan na bumiyahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa probinsiya ng La Union. Ang mga nasabing taxi ay i-ooperate ng Central Ilocos Transport Service Cooperative (CITRANSCO) na nakabase sa Bantay, Ilocos Sur.

Sa kanilang aprubadong prangkisa, P40 ang pangunahing flagdown rate. Madagdagan ito ng P13.50 sa bawat kilometrong tatakbuhin at P2 sa bawat minutong nakatigil ang taxi. Makakabiyahe ang mga taxi mula La Union papunta sa anumang lugar dito sa Region 1.

Ayon sa panayam kay CITRANSCO Chairman Engr. Elmer Acapuyan, sa mga nag-bid para sa taxi operations sa rehiyon, ang kanilang kooperatiba ang pinayagan magpatakbo ng mga ito sa probinsya ng La Union. Dagdag niya, Enero nang matanggap nila ang aprubadong prangkisa mula sa LTFRB at Marso ng taong kasalukuyan kumpleto na ng kooperatiba ang mga karampatang lisensiya at permit para mag-operate. Ngunit dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon, naipagpaliban ang kanilang pangunahing operasyon.

Target ni Engr. Acapuyan na masimulan ang pagbihaye ng mga taxi pagkatapos ng pagsasailalim ng ECQ sa City of San Fernando at makakuha ng clearance mula sa LTFRB. May mga plano din silang dagdagan pa ang bilang ng taxi ayon sa pangangailangan at probisyon ng LTFRB.

Ang CITRANSO ay kooperatiba ng mga dating operators ng UV express vans na biyaheng Candon- La Union. Matatagpuan ang kanilang opisina at terminal sa Petron Gas Station sa Quezon Avenue, Brgy. Catbangen, dito sa siyudad.

Narito ang LTRFB Memorandum Circular No. 2019-014 bilang anunsyo ng ahensiya sa pagbubukas ng dagdag na prangkisa ng mga taxi sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas:

http://ltfrb.gov.ph/wp-conte…/uploads/2019/…/MC-2019-014.pdf

Patuloy ang pakikipag-tulungan at suporta ng City Government of San Fernando sa mga inisyatiba ng iba’t ibang ahensiya at organisasyon para mapaganda ang pampublikong transportasyon dito sa ating lungsod.

(Story by Jeddahn Rosario; Photos from Engr. Elmer Acapuyan)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103