MGA YOUTH DISABILITY PINARANGALAN SA 2nd IT CHALLENGE

Upang maipakita ang galing at kasanayan ng youth with disability, sumabak ang 10 kabataan sa 2nd IT Challenge for Youth with Disability na ginanap sa Computer Training Center.
Nagwagi bilang 1st Place si Zaff Collins Mananguit, samantalang 2nd Place naman si Ethan Drake Lavara at 3rd Place naman si Dan Raphael Abalos.
Nahati sa tatlong kategorya ang patimpalak, e-tool para sa Excel at Powerpoint at e-life para sa searching google at map.
Nagbigay rin ng kanilang mga mensahe sina City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto, City Information and Communications Technology Officer Engr. Germie O. Deang, at Local Youth Development Officer Jerome Acupan.
Samantala, naging hurado sa patimpalak sina Department of Information and Communications Technology – Region 1 PDO II, ILCDB Regional Focal Person Mr. Kleve Laren Jullan H. Ducusin, Supervising Science Research Specialist Engr. Bernadine P. Suniega, and Information Technology Officer II Mr. Jay Carlou C. Sabado.
Ang mga nagwagi sa kompetisyon na ito ang magrerepresinta sa siyudad sa National IT Challenge for Youth with Disability na gaganapin sa Manila ngayong Abril 2024.
Congratulations, kakabsat!
Patuloy ang ating pagsuporta sa paglilinang sa kakayahan ng ating youth with disability para sa kanilang mas magandang kinabukasan dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!







RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS