MR-OPV SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY, SINIMULAN SA CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION

Upang mapaigting ang proteksyon ng kabataan laban sa sakit, pinangunahan ng City Health Office ang pagsisimula ng Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine Supplementary Activity (MR-OPV SIA) 2023 na ginanap sa Lion’s Park noong Mayo 2, 2023.
Mayroong 617 na kabataang edad 9 – 59 months old ang naturukan ng Measles and Rubella vaccine at 779 na kabataang edad 0 – 59 months old naman ang nakatanggap ng Oral Polio vaccine.
Bilang parte ng programa, nagbahagi rin City Health Officer I Dr. Romulo R. Monico ng opening remarks. Samantala, nagbigay din ng kanyang mensahe si City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto.
Kasama rin sa programa sina Dr. Emman Sahran, Doctor In-Charge for Maternal and Child Health Nutrition Program (MNCHN) Program; Ms. Bernalexi Caballero, MR-OPV SIA Coordinator; Mr. Raymund Ryan Batac ng CHO; at mga kinatawan mula sa Department of Health, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology.
Kasabay din ng kick-off activity na ito ang pagsisimula rin bakunahan sa mga barangay. Kung nais mapabakunahan ang mga kasamang bata para sa kanilang dagdag-proteksyon laban sa mga sakit, makipag-ugnayan lamang sa mga midwife ng barangay upang malaman ang schedule ng pagpapabakuna.
Maraming salamat, kakabsat! Sa pagtutulungan natin kasama ang mga kawaning pangkalusugan, mapaiigting natin ang pagprotekta sa kabataan ng siyudad tungo sa sabay-sabay at pantay-pantay na pag-angat ng lahat dito sa #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS