Nabigbig manen a Top 10 Awardee iti SK Awards 2026 iti siyudad ti San Fernando
Patuloy na pinatutunayan ang kahusayan sa paglilingkod at pagtataguyod sa kapakanan ng kabataan matapos muling kilalanin sa ikaapat na pagkakataon ang Youth Development Division ng lokal na pamahalaan sa ginanap na Sangguniang Kabataan (SK) Awards 2026 nitong Setyembre sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Kasunod ng tagumpay na ito, pormal ding iprinisinta ng City Youth, Education and Sports Development Office ang mga natanggap na parangal mula sa Positive Youth Development Network kay City Mayor Hermenegildo A. Gualberto sa kaniyang opisina noong Setyembre 18, 2026.
Ang prestihiyosong pagkilalang ito ay sumasalamin sa dedikasyon at patuloy na pagsulong ng mga programa, proyekto, at aktibidad na nakatuon sa pagpapalakas ng potensyal ng mga kabataang San Fernando.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng kabataan, nananatiling matatag ang siyudad ng San Fernando sa pagbuo ng mga programang magbibigay-daan sa mas matagumpay na kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Ti tagumpay a daytoy ket para kadagiti amin ditoy #PeoplesCity, nangnangruna kadagiti agtutubo iti siyudad tayo. Maysa a pagtandaan daytoy tapno itultuloy tayo ti panagtitinnulong para iti nasaysayaat a masakbayan dagiti agtutubotayo ditoy #SanFernandoTayo.












RECENT POSTS

Panagkakaysa para iti nadalus ken natalged nga baybay tayo

Panagpasayaat ti biag dagiti pamilya ken ububbing ti San Fernando

Naidanon dagiti agduduma nga serbisyo ti gobyerno kadagiti babbalay ditoy siyudad ti San Fernando

Maawat nga dagus dagiti dadduma nga kasapulan ti Barangay Birunget

Panagusisa iti panagpatakder iti baro a multi-purpose building para kadakayo
