Naidanon dagiti agduduma nga serbisyo ti gobyerno kadagiti babbalay ditoy siyudad ti San Fernando

Mas lumapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng mga barangay ng San Agustin, Namtutan, Madayegdeg, at Pias matapos silang pagkalooban ng tulong-medikal at pang-araw-araw na suporta nitong Setyembre 8, 15, 17, at 22, 2026.

Sa pangunguna ng Task Force Umay Manted Iti Sungbat (UMISU), umabot sa 62 benepisyaryong lubos na nangangailangan mula sa apat na barangay ang nakatanggap ng bigas, groceries, hygiene kits, at libreng gamot.

Bukod dito, namahagi rin ng assistive devices ang Pamahalaang Lungsod at naghatid ng mga serbisyong sibil kabilang ang pagproseso ng late registration para sa birth certificate, National ID assessment, at aplikasyon para sa Persons with Disabilities (PWD) ID.

Katuwang ang Office of the City Mayor, City Health Office, City Social Welfare and Development Office, Persons with Disabilities Affairs Office, at City Public Information Office, patuloy na iikot ang Task Force UMISU sa iba pang mga barangay sa lungsod upang ihatid ang mga katulad na programa at serbisyo.

Maidanon iti serbisyo kadakayo, kakabsat. Nakasuporta a kanayon ti #PeoplesCity para ti pagsayaatan iti pamilya tayo ditoy #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS