USAPANG KALUSUGAN: Sa kanyang unang araw ng pagbabalik-tungkulin ay humingi ng magkahiwalay na pagpupulong si City Mayor Dong Gualberto kasama ang mga pinuno ng DOH Region 1 at ITRMC upang paigtingin ang pagtutulungan ng sektor pangkalusugan at lokal na pamahalaan para matugunan ang COVID-19 crisis.

Sumangguni si Mayor Dong kay DOH Region 1 Director Valeriano Lopez upang mapalakas ang pagresponde ng siyudad sa COVID-19, lalo na sa barangay level. Tinalakay din nila ang pagpapalawak ng pagbakuna ng mga bata laban sa Polio at Measles Rubella bilang parte ng immunization program ng DOH na Chikiting Ligtas. Bagama’t nangunguna ang lungsod pagdating sa accomplishment rate sa buong Luzon ay nais nilang marating ang mas marami pang mga bata. Prayoridad ng lungsod at ng DOH ang mga batang naninirahan sa malalayong barangay ng San Fernando.

Hiniling naman ni Mayor Dong mula kay ITRMC Chief Dr. Eduardo Badua ang pagpapabilis ng pagkuha ng resulta ng COVID-19 tests, lalo na ng mga pamilyang namatayan ngayong kasagsagan ng pandemya. Tugon naman ni Dr. Badua ay inaabot ng 24 hanggang 48 na oras ang kailangang antayin para sa sertipikasyon galing sa IATF, ngunit kaya nang kumpirmahin ng kanilang attending physician/s ang resulta ng tests sa loob lamang ng 16 na oras.

Kasama rin sa mga pagpupulong sina Mr. Gary Glenn B. Fantastico, City Administrator at si Atty. Maria Nadia Nalinac Gonzales-Pilar, Executive Assistant V.

Ang pag-angat ng serbisyong pangkalusugan ay isa sa mga pangunahing layunin ng People’s City.

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103