
Inilunsad na ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang NASUDI ngayong araw, ika -18 ng Nobyembre, 2020. Ito ay isang proyekto na naglalayong mabigyan ng pansamantalang tahanan ang mga kabataan at kababaihang biktima ng karahasan, pang-aabuso at kapabayaan. Ang programang ito ay pinangangasiwaan ng City Social Welfare Development Office (CSWDO).
Ang mga benepisyaryo na naninirahan sa nasabing pasilidad ay nabibigyan ng pangunahing tulong gaya ng counseling, medical services na pinangungunahan ng City Health Office (CHO), skills development program, at spiritual enhancement.
Tunay ngang sa siyudad ng San Fernando, patuloy tayong kikilos at magbibigay serbisyo upang mabigyan ng proteksyon ang mga kabataan at kababaihan. Ang disenteng lugar na kanilang tinutuluyan ngayon ang nagbibigay sa kanila ng panibagong pag-asa na makaahon at makatayo muli.
Sa pagbibigay natin ng dekalidad na programa tunay nating naipapakita na #WalangMaiiwan sa ating bayan, dahil dito sa People’s City #WalangMapapabayaan at taas noo tayong tatayo. (KMCCO-IDS)
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS