
Para sa mas epektibong contact tracing at pag-monitor ng galaw ng mga indibiduwal sa lungsod gamit ang makabagong teknolohiya, inilahad ng City Government sa pangunguna ng Local Economic and Business Development Office (LEBDO) at Information and Communications Technology (ICT) Section ang Online Health Declaration Form (OHDF) sa mga kinatawan ng iba’t ibang establisiyemento at negosyo dito sa Lungsod ng San Fernando noong ika-25 ng Agosto, 2020 sa Mayor’s Conference Room.
Ang OHDF ay isa sa tatlong (3) integrated web-based applications na ginawa at ipapatupad ng City Government bilang tugon sa pangkalahatang pangangailangan sa komprehensibong CoViD-19 data management system sa lungsod. Kaakibat ang Border Control Management System (BCMS) at CoViD-19 Information System (C-19 IS), layon ng online project na ito na makapagbigay ng epektibong plataporma sa City Inter-agency Task Force (IATF) at City Incident Management Team (IMT) para sa wasto at real time na impormasyon ukol sa kalagayan ng CoViD-19 sa siyudad. Ito ay upang makapaghatid ng angkop na hakbang ang City Government sa mga interbensyon laban sa posibleng pagdami ng kaso sa siyudad.
Alinsunod sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) Interim Guidelines on Workplace Prevention and Control of CoViD-19 at Executive Order Nos. 80, 85 at 87, isinulong ng LEBDO ang paggamit ng health declaration form (HDF) bilang data gathering tool sa lahat ng papasok na customer sa bawat establishment.
Sa pamamagitan ng OHDF, maaari nang magsumite online ng HDF ang bawat rehistradong customer sa system sa bawat papasukang store o outlet. Gamit ang smart phone o gadget na may access sa internet, i-scan lamang ang nakadikit na Quick Response (QR) code sheet sa mga entrance area, pagkatapos ay i-input sa mismong application ang nakuhang temperatura. Kailangan lamang mag-update isang beses kada-araw ng HDF para marehistro ang kasalukuyang health condition ng may-ari ng account. Katumbas na ito ay ang manual na pagsulat sa mga printed HDF at logbook sa bawat establisiyemento.
Kasama rin sa mga tinalakay ang proseso ng BCMS, pati na ang mekanismo ng pagbibigay ng mga Inbound Certificate (IC). Sa oras na mailunsad ang web-application, maaari itong gawin sa pamamagitan ng mobile devices o kaya naman sa mga desktop at laptop computers.
Malugod namang tinanggap ng mga nagsidalong kinatawan ng business sector ang programang ito lalo’t nakikita nila na wala namang financial requirement sa pagpapatupad nito at ito ay epektibong paraan upang panatilihing ligtas ang mga business outlets sa banta ng CoViD-19. Ayon sa kanila, sa pamamagitan ng OHDF, mababawasan ang posibleng exposure sa papel at panulat, kasama ang na ang oras sa pagfill-out at pagpila ng kanilang mga kliyente. Hiniling naman ng iba pang nagsidalo na makipagtulungan ang lahat ng mga negosyo sapagkat naniniwala silang ito ay para mas mapaigting pa ng Lungsod ng San Fernando ang laban kontra CoViD-19 at sa kalauna’y makatutulong sa muling pagsigla ng business sector ng lungsod. Layuning mailunsad ang OHDF sa susunod na linggo.
Kasama sa mga napag-usapan sa nasabing pagpupulong ang planong pag-activate ng labindalawang (12) WiFi hotpots ng lungsod sa Central Business District at planong i-online ang pag-aapply at pagbayad ng mga business permits. Kabalikat ang teknolohiya, tuloy-tuloy sa pagtuklas ng makabagong pamamaraan ang City Government para sa mas komprehensibong mga hakbang upang panatiling ligtas ang #SanFernanandoAyayatenKa sa patuloy na laban kontra CoViD-19.
(Sulat ni Jeddahn Rosario)
(Litrato ni Erwin Beleo)
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS