Online payment para sa business permit, Pinaghahandaan na

Upang mas mapadali, mapabilis at contactless na ang processing at pagbabayad ng business permits sa lungsod ng San Fernando, La Union, ang lokal na pamahalaan ng San Fernando ay maglulunsad ng online payment transaction scheme. Ang proyektong ito ay isang malaking tulong sa buong komunidad upang sa gayon ay masunod ang mga health protocols laban sa CoViD-19 at maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ito rin ay magpapatibay sa compliance ng City Government of San Fernando, La Union sa Ease of Doing Business (EODB) and Efficient Delivery of Government Service Act. Ang batas na naglalayong mabawasan ang mga kumplikadong hakbangin sa mga transaksyon sa gobyerno.
Hangarin ni City Mayor Dong Gualberto na mapabilis ang pagsasagawa ng sistemang ito upang hindi na mahirapan pa ang mga negosyante at mga mamamayan sa pakikipag transaksyon sa City Hall tuwing sila ay kumukuha o nagrerenew ng kanilang mga business permit. Isa ito sa mga sistemang matagal ng itinutulak ni Mayor Dong simula pa noong 2017. Ang implementasyon ng proyektong ito ay magbibigay daan sa pagsasabuhay ng centralized system kung saan ang iba’t-ibang
Kamakailan lamang, na-ipasa na ang City Resolution No. 21-013 ng Sangguniang Panlungsod. Sa pagpasa nito, sasailalim sa Memorandum of Agreement ang Local Chief Executive at ang Landbank of the Philippines. Sa hakbang na ito, maisasakatuparan na ang programa at mas mapapadali na ang business transactions sa City Government.
Ang pagsasagawa ng sistemang ito ay pangungunahan ng City Information and Communications Technology (IT), City Treasury Office at City Local Economic and Business Development Office (LEBDO). Inatasan ni Mayor Dong ang mga opisinang ito na tutukan ang pagsasakatuparan ng programa para sa mas pinabilis at pinadaling serbisyo karapat-dapat para sa tao.
Gamit ang mga makabagong solusyon bilang gabay, ang lokal na pamahalaan ng San Fernando ay patuloy na magsasagawa ng makabuluhang proyekto upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayang San Fernando. Sa ating new normal na pamumuhay, patuloy na mag-aadapt ang lokal na pamahalan ng mga makabagong solusyon para masiguro ang ating pagtayo bilang iisang San Fernando.
#SanFernandoTayo
RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS