ORGANIKONG PAGTATANIM, ITINURO SA MGA ESTUDYANTE
Kaalaman sa ligtas na produksyon ng pagkain ang hatid ng Good Agricultural Practice (GAP)-Based Organic Farming Learning Area sa 300 estudyante mula sa tatlong pampublikong paaralan sa lungsod.
Ang programa ay ginanap sa Bangbangolan High School, San Agustin Elementary School, at Pao National High School.
Layunin ng inisyatiba na mabigyan ang mga mag-aaral ng praktikal na kaalaman sa organikong pagsasaka. Hinikayat din ang mga paaralan na ipatupad ang best practices sa ilalim ng Gulayan sa Paaralan Program.
Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga organikong gulay na walang kemikal, nakatutulong ang programa sa pagkakaroon ng mas ligtas at masustansiyang pagkain para sa mga mag-aaral, gayundin sa pangangalaga sa kalikasan. Maaari rin itong magbukas ng pagkakataong kumita mula sa sobrang ani ng paaralan.
Higit sa lahat, bahagi ito ng mga hakbang upang matugunan ang suliranin ng malnutrisyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng libre, ligtas, at masustansiyang pagkain.
Pinangunahan ang inisyatiba ni Gng. Mary Jane B. Alcedo, PhD., katuwang sina Gng. Josefina N. Sacnit, City Organic Focal Person, at dinaluhan ni Dr. Michael Bangloy, City Department Head ng City Health Office.
Sa pagtutulungan ng #PeoplesCity at mga paaralan, hindi lamang kaalaman ang maihahandog sa kabataan ng #SanFernandoTayo, kundi pati na rin sustansya.




















RECENT POSTS

Tulong para iti pagbiagan, naited kadagiti 13 CBDRP graduates ken pamilyada

Produkto ken turismo ti San Fernando, impakaammo sadiay Manila

125 nga ubbing nga addaan kapansananda, nakaawat iti tulong para panagadalda

Rehistrado nga mannalon ditoy siyudad, nakaawat iti naduma-duma nga alikamen iti panagtalon

Kinatalged dagiti komunidad, gapu ti napapigsa a pannakaikaysa dagiti militar ken umili
