Paalala Para sa Ligtas na Pasko Ngayong Taon

Tuwing darating ang kapaskuhan sa People’s City of San Fernando, marami sa atin ang namamasyal para pagmasdan ang naggagandahang mga palamuti at mga pailaw sa People’s Park, dumadagsa ang iba sa atin sa Merkado iti Umili at mga Christmas Bazaars upang bumili ng mga pangregalo o di kaya namimili sa mga supermarkets ng mga ihahandang pagkain pang-Noche Buena. Pagsapit naman ng bisperas ng Pasko, sama-sama tayong dumadalo sa huling Simbang Gabi upang magpasalamat at ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus. Pagkatapos, tayo ay uuwi sa ating mga bahay kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay upang magsalo-salo. Ngunit ngayong taon, parte man sa tradisyon ng mga taga San Fernando na magkaroon ng malakihang pagtitipon-tipon o face-to-face activities, limitado na ang paggunita nito dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Ganoon pa man, maaari pa rin tayong magdiwang ng isang makabuluhan at ligtas na kapaskuhan sa pamamagitan ng striktong pagsunod sa mga minimum health protocols tulad ng pagsuot ng face mask o face shield, pagpapanatili ng 1.5 meter social distancing, at regular na paghugas ng kamay. Bukod pa rito, nananawagan din ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Fernando na magsagawa ng mga online gatherings o ng maliitang pagtitipon-tipon. Inaabisuhan rin na huwag na muna makipagsapalaran ang publiko sa mga mataong lugar kung kaya’t sa mga dadalo sa Simbang Gabi, mainam munang umattend nalamang sa mga virtual masses. Sa mga bibili naman ng regalong pamasko, hinihikayat namin ang lahat na bumili sa mga online shops upang maiwasan ang pagpunta sa mga shopping malls o masisikip na tiangge. Pinapaalalahanan din ang mga indibidwal na nasa 14 taong gulang pababa at 66 taong gulang pataas na huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan. Strikto din nating sundin ang curfew hours na mula 11:00 PM hanggang 5:00 AM. Maging maingat tayo para walang magkasakit at maging mas maligaya ang ating Pasko!
Ang pinakamagandang regalo na maaari nating ihandog para sa lahat ay pagmamahalan at pagmamalasakit sa pamamagitan ng ligtas na pagdiriwang upang sa susunod na Pasko maaari na tayong magsama-sama at magyakapan.
#WalangMaiiwan
#LigtasLahat
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS