
Sa layon ni Acting City Mayor Alf Ortega na bigyan ng bagong bisikleta ang mga lingkod bayan upang pasalamatan sa kanilang serbisyo sa San Fernando, hinandugan ng City Government, sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng bisikleta ang mga lingkod bayan ng San Fernando noong ika-8 ng Marso.
Higit pa rito ay adbokasiya ni Acting City Mayor Alf at ng CENRO ang pagpapalaganap ng pagbibisikleta at green transportation sa San Fernando upang pangalagaan ang ating kalusugan at ang kalikasan.
Nakatanggap ng tig-isang bisikleta ang 15 kababaihang punong barangay sa San Fernando; 6 na enforcer ng Marine Protected Areas sa Kasay, Lingsat, at Poro; 3 barangay workers mula sa Madayegdeg, Dalumpinas Este, at San Agustin; at 6 na kawani ng City Hall.
Antabayanan po ninyo ang mga susunod pang programa ng City Government para sa pagpapalaganap ng pagbibisikleta sa ating lungsod.



RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS