
Sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre ngayong linggo, tuloy-tuloy ang pagmo-monitor ng City Government, sa pangunguna ng Office of the City Agriculturist (AGR) sa pag-aani ng palay ng mga magsasaka ng lungsod.
Sa huling pagtatala ng AGR, nasa 75%-85% na ng mga sinasakang palay ang naaani sa mga 43 na agricultural barangays dito sa San Fernando. Malaking bahagi pa ang hinihintay na maani sa ngayon dahil maraming magsasaka ang nahuli sa pagtatanim ng mga ito sa nakaraang planting season. Ayon sa AGR, naging hamon sa maraming magsasaka ang kakulangan ng tubig at paglitaw ng mga pesteng insekto ng pananim dahil sa pagbabago-bago ng weather pattern dulot ng climate change.
Naging hamon din ang mga ito sa mga magsasaka ng Barangay Bato, kahit doon ipinatupad ng City Government ang Techno-Demo Farm ng mga hybrid rice seeds sa ilalim ng La Union Clustered Hybrid Advocacy, Mentoring and Partnership (LU CHAMP) Program. Ang LU CHAMP ay programang pinangunahan ng Department of Agriculture- Regional Field Office 1 (DA-RFO1) sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of La Union (PGLU) at iba’t ibang seed companies. Layon nitong matukoy ang pinakamainam na uri ng hybrid seed na itatanim sa sampung (10) hektaryang sakahan upang maabot ang 12-ton per hectare bilang target na ani sa isang planting cycle. Saklaw ng LU CHAMP ang labing-dalawang (12) LGUs sa La Union, kasama ang City of San Fernando.
Sa kaso ng Barangay Bato, dalawampung (20) hektarya ng halos 100-120 farmer cooperators ang nagtanim at nag-ani ng mga hybrid seeds mula sa SeedWorks Philippines (US 88) at Longping Tropical Rice Development Inc. (LP937) bilang company sponsors. Ayon kay Victor Ducusin, pinuno ng mga farmer cooperator sa nasabing barangay, nasa 10% hanggang 15% ang itinaas ng kanilang ani sa kabila ng mga hamon ng pagtatanim ngayong taon at sa hindi inaasahang ulan sa buwan ng Oktubre. Sa kanyang pagtataya, makakapag-ani sila ng 6 tons per hectare sa oras na matapos ang anihan ngayong buwan.
Nakahanda naman ang City Government na alalayan ang mga magsasaka sa pagbebenta ng kani-kanilang ani. Pinapayuhan nila ang mga magsasaka ng lungsod na ipagbili ang mga palay sa National Food Authority (NFA) La Union Provincial Office. Nasa P19 per kilo ang bili ng NFA sa mga palay na may mataas na grado ayon sa Equivalent Net Weight Factor (ENWF) base sa purity at moisture content ng butil.
Kinakailangang hindi lalampas sa 14% ang moisture content ng mga palay bago ito bilhin ng NFA. Upang makatulong sa pagpapatuyo ng ibebentang palay lalo na sa hindi inaasahang pag-ulan, pinamamadali ng DA ang pagbili ng Mechanical Re-circulating Batch Dryer ng NFA- La Union na maaaring makapagpatuyo ng hanggang 60 toneladang palay sa isang batch. Bukod pa ito sa pagpapagamit ng mga kanilang simentadong bakuran sa mga ibinibilad na palay.
Binibigyang diin ng City Government ang mahalaga at malaking ambag ng sektor ng agrikultura sa food security at sufficiency ng #SanFernandoAyayatenKa. Kaya naman, walang humpay ang suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mga ipinatutupad na inisyatibo at programa ng lokal at nasyonal na pamahalaan.
(Sulat ni Jeddahn Rosario)
(Mga litrato ni Clifford Mercado)
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS