
Binigyang-pugay ng City Government ang kababaihang San Fernando sa ginanap na Women’s Month Kick-Off Celebration sa harap ng City Hall kaninang umaga ngayong ika-8 ng Marso.
Sa kanyang pambungad na mensahe ay pinasalamatan ni Acting City Mayor Alf Ortega ang mga kababaihan ng San Fernando: “Salamat sa pagmamahal, tiyaga’t pagsusumikap, o kababaihan. Saludo kami sa inyo.”
Masaya namang ibinalita ni Acting City Vice Mayor Chary Nisce ang mga proyekto para sa mga kababaihan na naitaguyod ng City Government sa nakalipas na taon. Kabilang na dito ang pagbubukas ng NASUDI Women & Children’s Center at ang paglinang at pagpapatibay sa mga VAWC desk sa lahat ng barangay sa San Fernando.
Parte rin ng programa ang paggawad ng medalya, sertipiko, at cash prize sa mga nagsipag-wagi sa mga patimpalak sa pagtula at pagkuha ng larawan para sa mga kawani ng City Government.
Nagtanghal din ang mga nanalo sa Spoken Poetry at Poetry Interpretation na sina Ms. Lorna Peña mula sa HRMO at Ms. Merla Dingle mula sa CDRRMO.
Kaugnay pa rin sa Women’s Month ay magsasagawa ang City Government ng Toy & Clothes Drive para sa mga kababaihan at kabataang pansamantalang nananahan sa NASUDI.
Sa kasalukuyan naman ay nakakatanggap ng libreng health kit na naglalaman ng face masks, alcohol, at sanitizer ang unang 100 women clients ng City Hall ngayong araw.









RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS