PAGPAPAIGTING NG COVID-19 RESPONSE SA PUROK 4, BARANGAY SAN FRANCISCO

Kamakailan, nagtala ng pitong (7) active cases sa Barangay San Francisco. Sa direktiba ni Acting City Mayor Alf Ortega, agad na rumesponde ang City Government at nagsagawa ng targeted mass testing na pinangunahan ng City Health Office (CHO) noong, ika-4 ng Marso 2021. Ito ay alinsunod sa Executive Order 32-2021.
Ang kabuuang bilang ng mga sumailalim sa RT-PCR ay pitompu’t-apat (74). Sila ay kailangang manatili sa kanilang mga tahanan ng labing apat na araw kahit matapos lumabas ang mga resulta ng kanilang RT-PCR o swab test. Ang lahat ng mga residente ay istriktong kailangang sumunod sa home quarantine protocol upang maiwasan ang pagkalat pa ng CoViD-19.
Patuloy pa rin na sinisiguro ng concerned offices at partnering agencies ang kalusugan at kaligtasan ng buong lungsod, kaya naman pinaaalalahanan ang lahat na maging masunurin sa health standards at practices na ipinapatupad ng DOH at lokal na pamahalaan. Magtulungan tayo para sa proteksyon ng ating mga pamilya, ng komunidad at ng ating sarili laban sa CoViD-19.
(Photos from the City Health Office)



RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS