Panagkakaysa para iti nadalus ken natalged nga baybay tayo
Upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang mga baybayin ng #PeoplesCity, nakiisa ang mga kawani, volunteers, at community partners mula sa 14 coastal barangays at iba’t ibang organisasyon at institusyon sa International Coastal Cleanup nitong Setyembre 19, 2026.
Ang pagtanggal ng basura sa baybayin at pagsusulong ng pangangalaga sa ating coastal environment ay pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), katuwang ang DOERs, Saint Louis College, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, SM City La Union, Christ the King College, Philippine National Police Maritime Group, Rotary, La Union Chamber of Commerce and Industry, Bureau of Jail Management and Penology–City and Regional Offices, Bangko Sentral ng Pilipinas, Philippine National Police Regional Finance Unit, City Police Station, Soiltech, Petron Corporation, Shell, Philex Mining Corporation, Poro Point Management Corporation, Philippine Air Force 585th, Philippine Coast Guard, Aureo, Couples for Christ, SI-KABAGIS, Bureau of Fire Protection, Lupon ng mga Indibidwal na Nangangalaga ng Kalikasan, BHC Educational Institute, at Marine Protected Areas.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nakalikom din ng datos tungkol sa uri at dami ng mga nakokolektang basura na makatutulong sa pagtukoy ng mga pollution trends at hamon sa solid waste management. Dagdag pa rito, gagamitin din ang datos sa pagbuo ng mas angkop na mga hakbang para sa waste reduction, wastong pagtatapon ng basura, at pangangalaga sa yamang-dagat.
Sa sama-samang pagkilos ng mga barangay, ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, organisasyon, at mamamayan, mas napapalakas ang responsibilidad ng komunidad sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran.
Kakabsat, agkakaysa tayo a dalusan ken salakniban ti baybay tayo tapno agtalinaed a nadalus, natalged, ken napintas ti #SanFernandoTayo.




















RECENT POSTS

Balligi para iti panangitandudo iti agpapada a karbengan ken panagkaykaysa

Suhestiyon ken kasapulan ti Barangay Saoay, naiparang iti Town Hall Meeting

Panagpasayaat ti biag dagiti pamilya ken ububbing ti San Fernando

Nabigbig manen a Top 10 Awardee iti SK Awards 2026 iti siyudad ti San Fernando

Naidanon dagiti agduduma nga serbisyo ti gobyerno kadagiti babbalay ditoy siyudad ti San Fernando
