Panagpasayaat ti biag dagiti pamilya ken ububbing ti San Fernando
Lalong naging handa ang mga magulang na gabayan, protektahan, at suportahan ang kanilang mga anak sa tulong ng Parent Effectiveness Program na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod para sa kanila noong Setyembre 17-18, 2026.
Layunin ng programang ito na mapangaralan ang 23 magulang ng Out-of-School Children and Youth sa Barangay San Agustin sa ilalim ng Project R.A.N.I.A.G.
Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), katuwang ang Barangay San Agustin, ang dalawang-araw na programa na nakatuon sa pagpapalakas ng parenting skills, ugnayang pampamilya, child protection, at pagbabalik ng mga bata at kabataan sa edukasyon.
Pinangunahan nina Psychologist Michelle E. Nabua at Psychometrician Michael E. Nabua ang interactive learning workshop sa naturang programa. Tampok dito ang Tree of Hope kung saan ibinahagi ng mga magulang ang kanilang mga pangarap para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
Tinalakay naman nina Atty. Jelly Rose S. Alburo at Atty. Gilbert Ruiz Hufana ng Public Attorney’s Office ang child protection, Republic Act No. 7610, child labor, at mga libreng serbisyong legal. Nagkaroon din ng open forum para sa mga katanungan at alalahanin ng mga kalahok.
Dagdag pa rito, ibinahagi naman ni Dr. Marie Camille Hufana ng City Schools Division San Fernando, La Union ang mga daan pabalik sa edukasyon sa pamamagitan ng Alternative Learning System at Department of Education Reintegration.
Nagkaroon din ng Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities session para sa mga ama na pinangunahan ni Pastor John Martinez.
Samantala, nagpaabot ng mensahe sina City Councilor Hon. Leonardo R. Soriano, Jr., Punong Barangay ng San Agustin Hon. Gerry B. Galvez, at CSWD Officer Ms. Rosenda A. Liwanag.
Patuloy na susuportahan ng CSWDO ang mga pamilya sa ilalim ng Project R.A.N.I.A.G., mula sa pagpapalakas ng tahanan hanggang sa pagbabalik ng mga anak sa paaralan.
Agyaman, kakabsat! Agkaykaysa tayo iti panangsalaknib, panangsuporta, ken panangipatungpal iti namnama dagiti annak tayo ditoy #PeoplesCity ti #SanFernandoTayo.


















RECENT POSTS

Panagkakaysa para iti nadalus ken natalged nga baybay tayo

Nabigbig manen a Top 10 Awardee iti SK Awards 2026 iti siyudad ti San Fernando

Naidanon dagiti agduduma nga serbisyo ti gobyerno kadagiti babbalay ditoy siyudad ti San Fernando

Maawat nga dagus dagiti dadduma nga kasapulan ti Barangay Birunget

Panagusisa iti panagpatakder iti baro a multi-purpose building para kadakayo
