PARTISIPASYON NG MAMAMAYAN SA PAMAHALAAN, PALALAKASIN SA SAN FERNANDO

Palalakasin ang kakayahan at partisipasyon ng mamamayan sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng itatatag na Civil Society Organization (CSO) Academy sa rehiyon, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 1 matapos talakayan kasama ang Pamahalaang Lungsod noong Agosto 25, 2026.

Layunin ng CSO Academy na ito na palakasin ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng mga CSO bilang mga katuwang ng lokal na pamahalaan sa paglilingkod sa komunidad.

Pinangunahan ni LGOO VI Nicolette May O. Amon, OIC-Chief ng Local Government Monitoring and Evaluation Division ng DILG, ang pagtalakay sa pagtatatag ng CSO Academy sa rehiyon.

Nakibaagi rin sa diskusyon sina Gng. Imelda B. Quindara, CSO Desk Officer ng Pamahalaang Lungsod; Gng. Elizabeth F. Sera, kinatawan ng City Local People’s Council (LPC); at Engr. Grace L. Diamase, Ph.D., kinatawan ng Don Mariano Marcos Memorial State University.

Inihayag ng lokal ng pamahalaan ang buong suporta sa inisyatibong ito, gayundin ang LPC bilang kinatawan ng mga CSO sa siyudad.

Sa #SanFernandoTayo, mahalaga ang papel ng #PeoplesCity sa pagpapabuti ng pamumuno at paghatid ng serbisyo-publiko para sa bawat komunidad.

RECENT POSTS