Patuloy ang pagsuporta para sa mas masaganang palaisdaan
Patuloy ang pag-alalay ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura matapos makatanggap ng libreng bangus fingerlings ang 55 rehistradong fishpond operators sa lungsod nitong Oktubre 2, 2026 sa City Food Terminal, Barangay Biday.
Isinagawa ang pamamahagi sa pangunguna ng City Agriculture Office kung saan benepisyaryo ang mga nag-aalaga ng isda mula sa mga barangay ng Biday, Bangcusay, Dalumpinas Este, Carlatan, at Lingsat.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng inisyatiba na makatulong sa pagtaas ng kabuuang produksyon ng bangus sa lungsod, gayundin ang maibsan ang gastusin ng mga fishpond operator sa pagsisimula at pagpapatakbo ng kanilang pagnenegosyo upang mas mapalago ang kanilang kabuhayan.
Nakasuporta ti #PeoplesCity kadakayo, kakabsat. Agtitinnulongtayo a mangitandudo iti nawadwad nga apit ken narang-ay a sektor ti agrikultura ken panagkalap iti #SanFernandoTayo.











RECENT POSTS

Serbisyong hatid sa mga residente ng Barangay Sacyud at Tanqui

Kahilingan ng Barangay Sacyud, Susuriin ng Pamahalaang Lungsod

Suportado ng Lungsod ang mas malusog na mga Batang San Fernando

Subok ang talas at tatag ng Barangay Responders sa Grand Rescue Olympics 2026

Libreng serbisyo, iniabot sa 68 benepisyaryo sa Barangay Sevilla
