Ngayon ang isa sa mga maliligayang araw natin simula nang tayo ay sumailalim sa quarantine dahil isa nanamang kaso ng COVID-19 dito sa siyudad ay gumaling at nag-negatibo mula sa sakit. Nakalabas na mula sa City Isolation Facility ang isang kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula sa Tanqui kaninang umaga.

Ang 76-year-old na pasyente ay na-admit noong April 24, 2020. Una siyang naging negatibo sa COVID-19 noong May 12, 2020, sa swab na kinuha noong April 30, 2020. Ang kanyang swab na kinuha noong May 4, 2020 ay nag-negatibo rin noong May 13, 2020.

Lubos namang nagpapasalamat ang pamilya ng pasyente sa walang humpay na pag-aalaga at pagbabantay ng mga manggagawa sa kalusugan mula sa Lorma na kanyang naging unang kanlungang medikal at sa City Health Office.

Bagama’t hindi pa rin natatapos ang pagsubok na ito’y ginagawa pa rin ng City Government of San Fernando, La Union ang lahat para siguraduhing malabanan natin ang mabilis na pagkalat ng pandemic na ito.

Ang inyong patuloy na suporta at kooperasyon ay tiyak na makakatulong upang tayo ay sama-sama sa pagtagumpay.

(Story by Eziah Arela Ibay; Photos by John Russell Barrientos)

#WeHealAsOne

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103