PINALAKAS ANG KAALAMAN SA GENDER EQUALITY, DISABILITY AND SOCIAL INCLUSION (GEDSI) AT DISABILITY PERSPECTIVE

Mas pinalawak ang kaalaman ng mga dumalo sa Gender Equality, Disability and Social Inclusion o GEDSI at disability inclusion sa isinagawang GAD Orientation and Disability Sensitivity Training nitong Agosto 13 at 14, 2026.

Pinangunahan ang programa sa pamamagitan ng mga mensahe mula kina Mayor Hermenegildo A. Gualberto, Gng. Ma. Theresa M. Navarro, Senior Administrative Officer ng City GAD Office, at City Councilor Hon. Lilibeth G. Hipol, habang nagbigay naman ng welcome remarks si Dr. Mark Anthony B. Inocencio, Head ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO).

Naging tagapagsalita rin sina Gng. Jennifer V. Garcia, RSW, Persons with Disabilities Affairs Provincial Officer ng Lalawigan ng Pangasinan, at Dr. Mark Anthony B. Inocencio, PDAO Head.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang disability sensitivity, disability-inclusive development, gender equality, disability and social inclusion, mga karapatan ng Persons with Disabilities, disability etiquette, at pagbuo ng inclusive at gender-responsive na kapaligiran sa trabaho.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Panlungsod ang kakayahan ng mga kawani na makapaghatid ng serbisyong pantay, inklusibo, at may malasakit sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS