Pinalawak at pinalakas na Covid-19 response and recovery, Kinasa sa bagong executive order

Mas pinaigting ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang paglatag ng localized plan at mga hakbangin para sa response and recovery sa Covid-19 sa pamamagitan ng mas pinalakas na mga istratehiya gaya ng paglalaan ng mas maraming grupo na tututok sa iba’t-ibang aktibidad kontra COVID-19 alinsunod sa Executive Order No. 05-2021 na pinirmahan ni Mayor Dong Gualberto, kahapon, January 18, 2021. Kasama rito ang mas pinaigting na Contact Tracing activity ng CHO, increased number of test kits, at isolation management sa mga nagpositibong pasyente at ang kanilang mga nakasalamuha. Saklaw rin ng EO ang paghahanda at mga hakbang ng lokal na pamahalaan ng San Fernando laban sa bagong CoViD-19 variant.

 

Pinag-utos din ni Mayor Dong sa mga peace keeping forces at angkop na mga opisina ang inspeksyon sa iba’t-ibang public spaces at establisyimento para sa istriktong implementasyon ng health protocols. Mayroon ding intensified information campaign at pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya upang mas mapabilis ang pagbangon ng San Fernando mula sa pandemya.

 

Bukod sa Executive Order, nakalatag na rin ang iba pang inisyatibo at programa ng lokal na pamahalaan gaya ng paglalaan ng pondo upang makabili ng bakuna laban sa CoViD-19, pagbibigay suporta sa mga maliliit na negosyante, pagbubukas ng maraming trabaho, pagsuporta sa mga tricycle drivers at jeepneys, pati na rin ang pagbibigay ng accessible health care sa lahat.

 

Ang City Health Office na pinangungunahan ni Dr. Arman Carrera ay patuloy na pinapalakas ang kampanya kontra CoViD-19. Kasama ang mga Barangay Health Workers (BHWs) at pambarangay na pamunuan, patuloy na ipinapalaganap ang malawakang impormasyon at anunsyo upang maabisuhan ang mga mamamayan.

 

Ang City Incident Management Team (IMT) naman ang siyang nangunguna sa pagbabantay ng mga quarantine control points ng siyudad. Tinitiyak rin nila na may sapat na supply ng pagkain ang mga nagpositibong pasyente na nasa isolation facilities ng lungsod.

 

Sa tulong naman ng teknolohiya, ang City Information and Technology Office (IT) ay patuloy sa pagsasagawa ng sistema na makakatulong sa pagkakaroon ng mas komprehensibo at maayos na datos na nakatuon sa lahat ng mga impormasyon tungkol sa estado ng CoViD-19 sa lungsod. Inaasahan ang full roll-out ng sistemang ito sa mga susunod na mga linggo.

 

Nagbigay naman ng paalala si Dr. Carrera sa mga mamamayan tungkol sa istriktong pagsunod sa minimum health standards gaya ng pagsuot ng face masks at face shields, pagpapanatili ng social distancing at pag-iwas sa mga crowded areas. Dagdag pa niya na huwag na sanang lumabas ng tahanan kung wala namang importanteng gagawin.

 

Ang public safety hinggil sa CoViD-19 ay nakasalalay sa disiplina ng lahat. Patuloy nating ipakita ang ating malasakit sa ating bayan at sa ating mga pamilya sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health protocols. Sa ating pagtutulungan, siguradong makakamit din natin ang ating sabay-sabay na paghilom.

 

Basahin ang buong EO 05-2021 dito: bit.ly/EO05-2021

#SanFernandoTayo

RECENT POSTS