Pinangitandudo iti karbengan ti tunggal maysa, agdama nga as-asikaswen ditoy San Fernando

Mas pinagtibay ang pagsulong ng karapatang pantao bilang bahagi ng pamamahala sa siyudad matapos sumailalim sa pagsasanay ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod at katuwang na mga ahensya ng gobyerno sa J&V Hotel and Resort nitong Setyembre.

Sa tulong at gabay ng Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights at Commission on Human Rights, napalawig ang mga paraan ng Pamahalaang Lungsod sa pagsasagawa ng human rights-based approach sa iba’t ibang programa at serbisyo para sa taumbayan.

Ilan sa mga pangunahing tinalakay sa pagsasanay ang mga konsepto at prinsipyo ng karapatang pantao, mga estratehiya sa pagtataguyod nito, at ang integrasyon ng karapatang pantao sa lokal na pamamahala.

Kasama rin sa pagsasanay na ito sina City Councilor Hon. Ramon F. Laudencia at Hon. Nerissa Joy O. Almazan, Atty. Patrick Jorge C. Sibayan ng City Department of the Interior and Local Government, kinatawan ng Barangay Mameltac, at ang Kankanaey Indigenous Peoples Organization.

Itandudo tayo iti karbengan ti #PeoplesCity. Aramiden tayo iti kabaelan tayo para ti pagsayaatan iti tunggal maysa ditoy #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS