PINDANGAN FESTIVAL, MULING NAGPASIGLA SA MGA FERNANDO AT FERNANDA

Sa muling pagbabalik ng pinakamakulay at masayang sayawan sa Pindangan Festival, nagpasiklaban ang mga kalahok mula sa iba’t ibang kategorya na ginanap sa harap ng City Hall.
Kasabay ng kanilang pag-indak sa Pindangan Street Dancing, kinulayan ng 20 na kalahok mula sa mga eskwelahan, barangay, civic at non-government organizations ang palibot ng City Plaza.
Ngayong taon, inuwi ng Santiago Elementary School (A), BHC Educational Institution, Inc. (B), at Barangay One (C) ang titulo at tropeyo ng pangkalahatang pagka-kampeon.
Nagkaroon ng masayang Showdown kabilang ang kanilang Festival Queens mula sa tatlong kategorya. Sa engrandeng presentasyon, ipinamalas ng bawat kalahok ang natatanging kwento, kasaysayan, at konsepto sa tema ng Pindangan Festival at kay San Guillermo, ang Patron Saint ng ating bayan.
Sa pambungad na pananalita ni City Councilor Mark Anthony Ducusin, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbabalik ng Pindangan Festival upang ipakita ang talento ng kabataan dito sa ating bayan. Sa pagtatapos, pinangunahan ni Mr. Joseph De Guzman, Head Committee, ang pag-anunsyo ng mga nagwagi ng Special Awards at Overall Champion mula sa iba’t-ibang kategorya.
Dumalo rin sina City Mayor Hermenegildo A. Gualberto, City Councilors Hon. Lucia Esperanza Ortega-Valero, at Hon. Kyle Marie Eufrosito Y. Nisce. Kasama rin si Ex-Officio Hon. Ramon Guio Ortega, City Schools Division Superintendent Ms. Rowena Banzon, at iba pang opisyales ng siyudad.
Sa #PeoplesCity25, sabay-sabay nating ipalamas ang pagiging magagaling, malikhain, at talentado ng bawat isa dito sa #SanFernandoTayo!
Write-up by: The San Fernando Movers

RECENT POSTS