PORO POINT LIGHTHOUSE

Isa sa mga paboritong lugar na dinadayo ng mga turista ang konkretong tore na may taas na 27 talampakan — ang Poro Point Lighthouse.

Itinayo noong 1905 sa pamamahala ng mga Amerikano, ang Poro Point Lighthouse ay matatagpuan sa Barangay Poro, sampung minuto ang layo mula sa central district ng City of San Fernando, La Union.

Opisyal itong nailipat sa Philippine Government noong 1991 at naging headquarters ng Naval Forces Northern Luzon (NAVFORNOL) ng Philippine Navy. Idineklara rin ito bilang isang historical landmark ng National Historical Instittue (NHI) noong 2006.

Dahil walang entrance fee sa Poro Point Lighthouse, dumadayo ang mga tao dito upang matunghayan ang payapang tanawin at kumuha ng magandang litrato sa lugar. Para sa mga nais bumisita rito, huwag nating kalimutan magsuot ng face mask at sumunod sa minimum public health standards para sa kaligtasan nating lahat.

Pahalagahan natin ang kasaysayan ng ating pinakamamahal na #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS