PPMC, BCDA, NAGBIGAY NG TULONG PARA SA MAMAMAYAN NG SIYUDAD

Tinanggap ng pamahalaang panlungsod ang 60 cavans of rice donation ng Poro Point Management Corporation (PPMC) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) para sa mga nasalanta ng bagyo ngayong araw, July 28, 2025. 

Pinangunahan nina Atty. Felix S. Recadio, CEO and OIC Chairman of the Board ng PPMC; Mr. Servillano C. Flores, Jr., PPMC Director; at Mr. Richard Brian M. Cepe, Vice President for Land and Assets Development Department ng BCDA ang pag-turnover ng mga donasyong bigas sa City Government.

Bilang kinatawan ng City of San Fernando, La Union, tinanggap naman ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto at ni Ms. Rosenda A. Liwanag, City Social Welfare and Development Officer, ang mga donasyon para sa siyudad.

Maraming salamat, PPMC at BCDA!

Sabay-sabay nating pagsikapang makabangon muli at ipakita ang magandang bunga ng pagtutulungan dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS