Upang makatulong sa mabilis at mabisang contact tracing, patuloy ang paghihikayat ng City Government of San Fernando sa mga mamamayan na makiisa sa maayos na pagdokumento ng kanilang paggalaw sa loob ng lungsod. Ito ay bunsod sa tumataas na bilang ng mga kaso ng CoViD-19 sa nakalipas na mga linggo.

Ayon sa Executive Order No. 87-2020 na ipinatupad simula ngayong araw Agosto 1, 2020, inaabisuhan ang lahat ng pumapasok sa mga establisiyemento at opisina sa siyudad na magbigay ng kani-kanilang personal na detalye sa information gathering tools katulad ng logbook at heath declaration form.

Sa pag-iikot ng Local Economic and Business Development Office (LEBDO) sa central business district, isinulong nila ang paggamit ng Health Declaration Form bilang probisyon ng nasabing executive order sa pagpapatupad ng Modified Community Quarantine (MGCQ) with Strict Local Action sa lungsod.

Ayon kay Atty. Ruby Jean Balanon, LEBDO Assistant Department Head, ang paggamit ng health declaration form ay nagsimula pa ng ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang Interim Guidelines on Workplace Prevention and Control of COVID-19 noong Mayo 1, 2020. Nagtakda ang nasabing guidelines ng mga batayan para masunod ang minimum health standards ng mga pribadong institusyon na pinapayagang mag-operate habang may umiiral na community quarantine sa kanilang lugar.

Naniniwala si Atty. Balanon na malaking bagay ang nagagawa ng pagsunod ng publiko sa tamang pagsusulat at pagbibigay ng impormasyon sa bawat pinapasukang establisyimento sa lungsod. “Iyong maliit na inconvenience na maaring ma-experience natin sa pagfi-fill out ng ganitong form o logbook sa bawat pagpasok natin sa bawat establishment na pupuntahan natin, magre-rebound siya hindi lang sa personal na health natin tsaka safety natin, para din iyon sa proteksyon ng pamilya natin, ng mahal natin sa buhay, siyempre iyong larger community as a whole.” dagdag paghihikayat ni Atty. Balanon.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan ang malawakang pakikiisa ng mga mamamayan – kasama ng lahat ng mga bumibisita at nagtratrabaho sa lungsod – para maiwasan ang pagkalat pa ng CoViD-19 sa ating mga komunidad at sa ating probinsya.

Naniniwala ang City Government na sa pamamagitan ng disiplina, kooperasyon at pag-unawa, mapagtatagumpayan natin ang hamon ng pandemyang kinahaharap natin sa kasalukuyan.

Narito ang link para ma-download ang Health Declaration Form: https://bit.ly/CityHealthForm

(Kuwento ni Jeddahn Rosario)

(Litrato ni Adrian Sebastian)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103