PUMASYAL, MAG-SELFIE, AT MANALO!

Fernando at Fernanda, sabay-sabay tayong mamangha sa natatanging likha at ganda ng mga natural na palamuti ng kalikasan! Bisitahin na ang Minuyugan ti Kaadwan sa City Plaza, San Fernando, La Union para sa tyansang manalo ng PhP 10, 000!
Ang Minuyungan ti Kaadwan ay ang opisyal na entry ng ating lungsod para sa Agri-Tourism Village Edible Landscape Competition ng Ayat Fest 2023. Magkakaroon ng 5 masuwerteng mananalo ng PhP 10 000 sa mga bibisita sa ating hardin!
Narito ang paraan upang makasali:
1. Mag-selfie kasama ang Minuyugan ti Kaadwan sa City Plaza, San Fernando, La Union.
2. I-tag ang opisyal na Love La Union Facebook Page.
3. Gamitin ang hashtag na #LOVELaUnion.
4. Kinakailangang naka-public ang inyong mga post.
5. Pipiliin ang mga mananalo sa pamamagitan ng online raffle draw.
Tara na, ipagmalaki at suportahan ang likha ng ating lungsod! Sabay-sabay nating ipagdiwang ang kagandahan ng kalikasan dito sa #SanFernandoTayo!








RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS