PAGGUNITA SA IKA-127 TAON ARAW NG KALAYAAN, IDINAOS NG CITY GOVERNMENT OF SAN FERNANDO

Ginunita ng City Government of San Fernando, La Union (CGSFLU) ang ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng flag-raising ceremony at maikling programa na isinagawa sa harap ng City Hall noong Hunyo 12, 2025.
Sa pagsisimula ng seremonya, pinangunahan ng Maifeld School of Performing Arts ang awit ng panalangin, kasunod ang isang pagsasadula ng kabayanihan mula sa Teatro San Fernando, at sayaw ng pagka-Pilipino mula sa Tapaya Arts and Production. Matapos ang pagtatanghal, taas noong inawit ng mga dumalo ang Lupang Hinirang.
Nagbigay-pugay naman sa Watawat ng Pilipinas ang mga miyembro ng Free and Accepted Masons of the Philippines bilang pagkilala sa mga simbolo, kulay, at sagisag nito, at kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan ng bansa.
Kasunod ng pagpupugay ay nakiisa rin ang lahat ng lumahok sa pag-aalay ng bulaklak o wreath-laying ceremony sa bantayog ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Pinangunahan ito ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto, mga kawani ng CGSFLU, Free and Accepted Masons, at mga uniformed personnel mula sa Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Maritime Industry Authority, Maritime Police, Liga ng mga Barangay, Veterans Federation, at Government Retirees Association.
Kabilang din sa paraan ng pagbibigay-pugay sa mga bayani sa Araw ng Kalayaan ang 21 gun salute na pinangunahan ng Naval Forces of Northern Luzon.
Bago matapos ang programa, nagbigay ng mensahe patungkol sa temang, “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” sina Office of the Provincial Governor Executive Assistant Justito Orros III, City Mayor Dong Gualberto, City Councilor Hon. Pablo C. Ortega, at VW Richard S. Chan.
Nakiisa rin sa paggunita sina City Councilor Hon. Kyle Marie Eufrosito Y. Nisce, Hon. Lucia Esperanza O. Valero, Hon. Edwin H. Yumul, Hon. Rodolfo M. Abat, Hon. Arnel A. Almazan, Hon. Aldrine R. Jucar, l Hon. Quintin L. Balcita, Jr., at Ex-Officio Member na si Hon. Geraldine R. Ortega, mga punong departamento, at mga punong barangay.
Sa huling bahagi ng paggunita, pinangunahan ng SLC Marching Band, Maifeld School, at Tapaya Arts ang pag-awit, pag-indak, at pagwawagayway ng mumunting watawat sa saliw ng kantang “Piliin Mo Ang Pilipinas.”
Mabuhay ang kasarinlan ng Pilipinas!
Kakabsat, ating alalahanin ang kadakilaan at sakripisyo ng ating mga ninuno dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo na naging bahagi sa pagkamit ng kalayaan ng bansa.




















RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER DOCUMENTS TO INCOMING PUBLIC OFFICIALS
QUALIFIED CITY OCTOGENARIANS, NONAGENARIANS RECEIVE FREE NOTARIAL SERVICE
CITY GOVERNMENT DEVELOPS 2026-2031 LDRRMP WITH OCD, NFSTI
CLICKCONEX 2025 DISCUSSES CYBER CHALLENGES, AI INTEGRATION, TALENT DEVELOPMENT
CSFLU HOSTS LUZONWIDE ICT CHAMPIONS CONFERENCE