Safety Seal awarded to City Hall,
San Fernando Establishments

Sa pagpapatupad ng City Government ng Safety Seal Program noong nakaraang buwan, nabigyan na ng Safety Seal mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang City Hall ng San Fernando. Nagmula naman sa Department of Trade Industry (DTI) ang Safety Seal na ini-award sa Hyundai (SFC Branch), Citi Hardware (SFC Branch). Samantala, ang City Government of San Fernando, sa pamamagitan ng City Inspection and Certification Team, ay ginawaran ang CSI Mall at ang 5 branches ng McDonald’s ng Safety Seal.
Nabigyan rin ng Safety Seal ang Citi Hardware (Bauang Branch) at Savemore Stanford Marketing (Bauang Branch).
Ito ay ibinigay kasabay ng selebrasyon ng MSME Development Week ngayong taon.
Ang Safety Seal Program ay ipinapatupad alinsunod sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2021-053 at Joint Memorandum Circular No. 21-01. Anumang opisina o establisyimento na sumusunod sa minimum health standards, mayroong digital contact tracing app, at compliant sa iba pang requirements ng Safety Seal Inspection and Certification Team ay mabibigyan ng naturang Safety Seal.
Hinihikayat ng City Government ang lahat ng business owners na mag-apply para sa Safety Seal para mabigyang kasiguruhan ang mga kliyente na sila ay ligtas mula sa COVID-19 saan man sa lungsod. Dahil dito, mas mapapadali ang pagtransition ng lokal na ekonomiya sa new normal. Para mag-apply, maaari niyong tawagan ang Local Economic and Business Development Office sa 687-8100 loc 150. Magkaisa tayong bumangon para sa #SanFernandoTayo.





RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS