Salamat sa inyong serbisyo, Dok Arman!

Ginawaran ng Plaque of Appreciation ng City Government of San Fernando, La Union si Dr. Arman Carrera kaninang umaga para sa kanyang sampung taong serbisyo sa City Health Office.

Personal na iniabot nina Mayor Dong Gualberto at City Administrator Atty. Nancy Lopez-Bilaoen ang plaque kay Dok Arman sa Office of the City Mayor.

Matapang na tinanggap ni Dr. Arman ang hamon ng pamumuno sa gitna ng pandemya bilang City Health Officer nitong nakaraang taon.

Para sa iyong walang pag-iimbot na paninilbihan sa #SanFernandoTayo ng isang dekada, maraming salamat po Dok Arman!

RECENT POSTS