Agad na inaksyunan ng City Government ang dumaraming kaso ng CoViD-19 sa Barangay Pagdalagan. Sa istriktong direktiba ni Manong Dong, nakipag-ugnayan ang City Incident Management Team (IMT) at local IATF (Inter-Agency Task Force) sa Barangay Pagdalagan kahapon (ika-30 ng Nob.) upang mapaghandaan nang mabuti ang ipapatupad na containment strategies sa barangay. 

Mamayang hatinggabi (ika-2 ng Disyembre), isasailalim na ang Pagdalagan sa 14-day Enhanced Community Quarantine (ECQ) alinsunod sa Executive Order No. 149-2020. Napagdesisyunan ang pagsailalim ng Pagdalagan sa ECQ dahil sa 9 na kaso at 1 mortality na naitala sa barangay. 

On-ground, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng briefing kasama ang mga opisyales ng Barangay Pagdalagan tungkol sa mga guidelines at operations ng ECQ. Ang IMT naman, kasama ang City Engineering Office, ay nagsasagawa na ng ground assessment and measures para ma-secure ang perimeter ng lugar.

Walang dapat ikabahala ang mga residente ng Pagdalagan dahil lahat ng kumpirmadong COVID-positive ay nasa isolation facility na. Samantala ay magsasagawa ng target testing sa mga purok kung saan mayroong ‘clustering of cases’. Ito ay ang Purok 1, 2, 6 at 7. Ipinapamadali na rin ni Mayor Dong ang pagbili ng karagdagang 5000 test kits. 

Sa pagsasailalim ng Pagdalagan sa ECQ, maiiwasan ang patuloy na pagkalat ng CoViD-19 at mapoprotektahan ang buong komunidad ng City of San Fernando.

Samantala, tulong-tulong naman ang City Government offices sa paghahatid ng tulong sa mga residente ng Barangay Pagdalagan. Sinisiguro ng IMT na ang lahat ng guidelines sa E.O. No. 149-2020 ay nasusunod. Binabantayan naman ng Philippine National Police (PNP) ang mga checkpoint sa barangay. 

Bibigyan naman ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at General Services Office (GSO) ang 1,368 households sa Pagdalagan ng relief goods na naglalaman ng 10 kilong bigas, canned goods, mga gulay, at hygiene kits na sapat sa kanilang pangagailangan sa 14 na araw. 

Ipagpatuloy natin ang pagsunod sa minimum health standards. Magsuot ng face mask, maging malinis sa katawan, at panatilihin ang social distancing upang mas mapadali ang pagsulong ng buong San Fernando kontra COVID-19.

Sa ating patuloy na pagtutulungan, sama-sama nating malalampasan ang pagsubok na ating kinahaharap at #WalangMaiiwan dito sa People’s City. 

 

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103