
Maaari nang makauwi ang mga OFWs sa kanikanilang mga pamilya sa tulong ng programang Hatid-Sundo sa mga Stranded OFWs ng OWWA na patuloy na nagbibigay ng transportasyon patungo at galing sa iba’t ibang airport terminals papunta sa mga designated areas sa Metro Manila, Northern and Southern Luzon.
Ang OWWA Regional Welfare Office III ang nagbibigay ng listahan ng mga OFWs na maaaring ihatid mula sa Dau Terminal papuntang Urdaneta City. Samantala, ang OWWA Regional Welfare Office I naman ang tutulong sa mga OFWs mula sa Urdaneta City, Pangasinan TPLEX Exit hanggang Bio, Tagudin, Ilocos Sur Quarantine Area.
Ayon sa meeting ng City Government at ng OWWA kahapon, March 27, 2020, ang City Government ng San Fernando bilang partner LGU ng OWWA ay tutulong sa mga nastranded na OFWs, na manatili muna sa City of San Fernando hanggang sa maaari na silang ihatid sa kanikanilang mga probinsya sa norte.
Ang mga OFW-constituents naman ay tutulungan ng City Incident Management Team (IMT) na magpa-test sa City Health Office (CHO) at sasailalim muna sa strict home quarantine na babantayan naman ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs.)
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS