SAN FERNANDO, NAKIISA SA LABAN KONTRA TIGDAS AT RUBELLA

Bilang bahagi ng sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang mga bata laban sa tigdas at rubella, isinagawa ang kick-off at ceremonial vaccination para sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026 sa Lungsod ng San Fernando, La Union sa Lorma Medical Center at Bethany Hospital, Inc., noong Agosto 11, 2026.

Pinangunahan ang aktibidad ng Department of Health Center for Health Development I sa pangunguna ni Dr. Helen Tobias, katuwang ang Provincial Health Office of La Union sa pangunguna ni Dr. Herminigildo M. Velasco, at City Health Office of San Fernando sa pangunguna ni Dr. Michael C. Bangloy. Nakiisa rin ang Pamahalaang Panlungsod ng San Fernando na kinatawan ni Atty. Gilbert Caloza para kay Mayor Hermenegildo A. Gualberto, gayundin si Vice Mayor Pablo C. Ortega sa pamamagitan ng video message.

Kabilang din sa mga katuwang ang Lorma Medical Center, sa pangunguna ni Dr. Mario T. Bautista, at Bethany Hospital, Inc., kasama ang Philippine Pediatric Society – Northern Luzon Chapter. Sa pamamagitan ng kanilang pagtutulungan, mas inilalapit sa mga pamilya ang libreng pagbabakuna at napapalakas ang proteksiyon ng mga bata laban sa measles at rubella.

Isinasagawa ang MR-SIA sa Agosto 11–14, 2026 sa mga itinalagang hospital vaccination sites. Mga magulang, dalhin ang inyong mga anak na edad 6–59 buwan upang makakuha ng libreng Measles-Rubella vaccination.

Magpabakuna, makiisa, at protektahan ang ating mga anak para sa mas malusog at ligtas na #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS