Umabot sa 106 na pawikan o baby sea turtles ang pinakawalan ng mga Barangay Officials ng Barangay Dalumpinas Oeste kasama ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at iba pang mga volunteers sa baybaying dagat ng Dalumpinas Oeste, City of San Fernando, La Union ngayong araw, ika-17 ng Pebrero, 2021.

Ang baybayin ng Dalumpinas Oeste ang nagsisilbing nesting site o sanctuary ng mga pawikan sa lungsod ng San Fernando, La Union. Dito matatagpuan ang Pawikan Conservation Center.

Patuloy ang CENRO sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto upang mapangalagaan ang kalikasan at likas na yaman ng ating lungsod. Sa pagtayo ng San Fernando, tatayo rin ang ating kalikasan. Magtulungan at magkaisa tayo San Fernando.

Nais din nating isabuhay ang “turtle mentality” sa bawat isa kung saan sabay-sabay at sama-sama ang pagbangon at pagsulong. Tulad ng mga pawikan, tutulungan nating ibangon ang ating mga kasama lalong-lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

#TayoAngKalikasan

#SanFernandoTayo

RECENT POSTS